LP#17:Bulaklak

Author: Willa  //  Category: Litratong Pinoy

—–Kinailangan ko pang buksan ang aking mahiwagang baul para makahanap ng entry ngayong linggo,kasi ang aming kapaligiran dito ay wala pang bulaklak at puro yelo lang ang makikita.  Isa pa,wala din akong natanggap na bulaklak nuong balentayms dey,kasi sabi ko sa mabait kong asawa na huwag na nya akong bigyan* ( at hindi nga ako binigyan! buset!!!)Ito ay kuha ko nuong nakaraang summer, sa park na malapit sa amin na nasa baybay ng  Detroit River,maganda ang garden, isa iyon sa paborito kong lugar para magbasa ng libro habang ang dalawa kong anak naman ay abala sa paglalaro or sa pag-abang ng mga dumadaan na barko.

LitratongPinoy

p8215811

Happy LP!!

*Kasi binilhan na nya ako ng Canon450D Alien




signature

19 Responses to “LP#17:Bulaklak”

  1. jeanny PHILIPPINES Says:

    uy…wala ka rin fower apir…pero ikaw me Canon 450D oh di ba mas ok yan hehehe. enjoy your new toy Smile

    Happy LP

  2. kathycot PHILIPPINES Says:

    ang presko sa paningin!

    kathycot’s last blog post..LP: Bulaklak {flower}

  3. arls PHILIPPINES Says:

    Smile boris becker mums and lavender. maganda ang combination ha Smile

    happy huwebes ka-LP!

    ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bulaklak-flower/

    arls’s last blog post..LP: Bulaklak (Flower)

  4. Gizelle AUSTRIA Says:

    Paborito kong kombinasyon ang lila at dilaw…Grin Sa ice cream lalo hehe. Happy LP!

    Gizelle’s last blog post..Litratong Pinoy – Mga Bulaklak/Flowers

  5. Thess NETHERLANDS Says:

    Mas masarap ang amoy ng bagong Canon 450D keysa bulaklak ha ha ha!

    cge mare, pag-aralan mo raw setting mode- you’ll like it Smile

    Thess’s last blog post..Irog, date tayo? (LP 46 Tipanan)

  6. sassy mom PHILIPPINES Says:

    Napakaganda naman ng hardin na iyan. Wish ko ay magkaroon ng ganyang hardin.

    sassy mom’s last blog post..Litratong Pinoy : Bulaklak

  7. Pinky 94.97.54.197 not found Says:

    Ang gandang mga bulaklak – lalo na yung dilaw!

    Pareho pala tayo ng mga mister – masunurin! Hahaha!

  8. leah AUSTRALIA Says:

    congrats sa iyong bagong camera! Smile ang gaganda talaga ng mga bulaklak tuwing spring at summer!

  9. lino PHILIPPINES Says:

    nice… happy thursday… Smile

    lino’s last blog post..flower…

  10. RoseLLe AUSTRALIA Says:

    ang ganda nga ng lugar na iyan kung summer…gandang pagmasdan kung ganyan kaganda ang mga bulaklak.

    ang aking mga bulaklak at ang mga talulot nito ay nasa Reflexes at Living In Australia.

  11. ces UNITED STATES Says:

    nyahaha! natawa naman ako dun, e kasi nman sinabi mo pala e, madali lang shang kausapSmile

    ces’s last blog post..flowers, fresh or faux

  12. luna miranda PHILIPPINES Says:

    tama, mas OK talaga ang camera kaysa flowers!Grin may flowers naman sa kapitbahay e, ayos na yon!

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: bulaklak (flowers)

  13. Dyes PHILIPPINES Says:

    sinabi ko din last year sa asawa ko na wag na akong bigyan ng bulaklak. at dahil hindi nga ako binigyan, ipinahiwatig ko sa kanya na ngayong taong ito ay kelangang meron. at dahil sa kinulit ko hanggang feb 13, nabuking ko tuloy na naka-order na sya noong nakalipas na buwan pa! hahaha! bakit kaya ganyan tayong mga babae? hehehe

    happy hwebes!

    Dyes’s last blog post..LP: Bulaklak

  14. Sreisaat CAMBODIA Says:

    Ganda ng mga mums — parang mga yellow mini-pompoms. Mahilig din ako magtanim kaso lang dahil sa apartment lang kami nakatira ay sa paso ako nagtatanim. Pinadalhan ako ng MIL ko ng lavender seeds na siya namang masigasig kong itinanim — walang nabuhay kasi sobrang init dito sa Phnom Penh *lol*

  15. yeye PHILIPPINES Says:

    ay congrats po sa bagong cam! ok lang kahit walang flowers bsta bagong cam meron hehehehehe

    eto naman ang aking lahok:
    LP #47

    HAPPY LP!!

  16. peachy BANGLADESH Says:

    happy LP! LP#47

    peachy’s last blog post..LP 47: Bulaklak

  17. pining UNITED KINGDOM Says:

    who needs flowers, when you got a new supah dupah gadget he he…lucky for some, eh Wink
    enjoy your new toy Smile

    pining’s last blog post..Bulaklak

  18. Hipncoolmomma PHILIPPINES Says:

    kung ganun kaganda at kadami ang mga bulaklak sa yard, ang sarap siguro ng buhay

  19. Jay PHILIPPINES Says:

    wow ang galing naman nyan

    mula sa puso eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista Smile
    Salamat sa pagbisita Smile

    Jay’s last blog post..Pinoy Street Food # 18: Cheese Sticks