LP#25: Nang Matapos

Author: Willa  //  Category: Canon 450D, Litratong Pinoy

—-Medyo nahirapan naman ako sa theme para sa araw na ito. Buti na lang at pagtingala ko dito sa aming dining room eh nakita ko ang nakadisplay kong crosstitch, at naisip ko na ito ang bagay na tamang-tama kong i post ngayong araw. Isa sa aking ibang libangan ay ang pag ko crosstitch, minsan eh inaabot ako ng madaling araw, kung hindi pa sumakit ang mata ko eh hindi pa ako titigil, kaya naman nang matapos ang aking proyekto, ako ay tuwang tuwa at talaga namang naiisip ko na hindi nasayang ang mga oras ko dahil maganda ang kinatapusan ng gawa ko.

img_0948




signature

28 Responses to “LP#25: Nang Matapos”

  1. fortuitous faery UNITED STATES Says:

    impressive! talagang patience is a virtue pagdating sa cross-stitch! sakto pa at serenity prayer pa pala ang pattern mo! hehe.

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#49: nang matapos (when it ended)

  2. Meeya UNITED STATES Says:

    dati rin ako nahilig sa cross stitch pero… sa lahat ng proyektong sinimulan ko, isa lang ang aking natapos, haha! Grin

    obviously, hindi daw ako pasensiyosong tao. Grin

    happy lp!

    Meeya’s last blog post..Ang Pagtatapos

  3. julie PHILIPPINES Says:

    Tama! Hindi gawang biro ang magcross-stitch,alam ko yan dahil meron dni akong mga nagawang mga designs Smile

  4. luna miranda PHILIPPINES Says:

    wow, labor of love talaga! ako siguro, aabutin ng 50 years di ko pa tapos yan.Grin

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: nang matapos (when it’s over)

  5. CES UNITED STATES Says:

    ang galing nyan! tyaga mo!Smile
    here’s another entry

    CES’s last blog post..Litrato: in the end [nang matapos]

  6. Thess NETHERLANDS Says:

    Sulit talaga kapag nakatapos ka ng proyekto! Dati ko din hobby x-stitching katunayan ang dami kong patterns at threads dito nakaimbak lang…palagay mo, umpisahan ko ulit?

    Happy LP, mareng hilaw!

  7. Yami PHILIPPINES Says:

    Maganda ang paksa at mensahe ng cross stitch mo. Smile

    Yami’s last blog post..LP # 2: Nang Matapos

  8. mommy jes PHILIPPINES Says:

    wow angganda nmn nito =) akoy nde marunong mag crosstich ehehe =) hanga ako sa mga taong matsagang natatapos ang mga ganyan =0 maligayang lp at salamat sa dalaw

    mommy jes’s last blog post..LP : Nang Matapos

  9. kg UNITED STATES Says:

    naku…nagtry din ako ng cross-stitch! sa dami ng sinimulan ko, isa lang ang natapos ko. he! he!

    kg’s last blog post..LP: Nang matapos

  10. sassy mom PHILIPPINES Says:

    Naku, bilib ako sa mga taong magaling mag-cross stitch, kasi wala akong talent diyan. Galing Willa!

    Heto naman ang aking lahok.

    sassy mom’s last blog post..LP : Nang Matapos

  11. kiwipinoy NEW ZEALAND Says:

    matiyaga ang taong mahilig sa cross stitch

    kiwipinoy’s last blog post..(Nang matapos) ang 30 minutong paglalakbay…

  12. Rico UNITED STATES Says:

    Wow! Galing! Dati nag cross stitch din yung nanay ko, pero lately hindi na, malabo na yata ang mata.

    Rico’s last blog post..LP009: Nang Matapos

  13. Gmirage AUSTRIA Says:

    Miss ko na nga magcrosstitch…kung di ang mabilis ang oras ano, masarap gumawa uli. galing…happy LP!

    Gmirage’s last blog post..Nang Matapos/Finished – Litratong Pinoy

  14. Marites PHILIPPINES Says:

    wow..bilib ako sa mga nakakatapos ng cross stitch. lalo na kapag ganyan kalaki, ang tiyaga mo naman. Ganda pa ng gawa mo Smile

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#50 Nang Matapos (When It Ended)

  15. iris UNITED KINGDOM Says:

    wow, challenge yan ah. and it paid off. galing Smile

    iris’s last blog post..Pagkatapos [lp]

  16. Ria PHILIPPINES Says:

    ang ganda! nahilig din ako diyan dati…bago ko madiskubre ang plurk and blog hehehe.

    i also like the sampler poem choice…it really marks the end of something. diba nga ang serenity prayer dinadasal yan sa mga support groups.

    Ria’s last blog post..Nang Matapos. (In the End)

  17. haze PHILIPPINES Says:

    sinubukan ko rin mag cross stitch dati. gaano ka tagal mo natapos yan? ako, medyo mabagal at inaabot ng taon. yun nga lang mga malalaki kasi ang mga patterns na ginagawa ko. hehe

    haze’s last blog post..LP#57: Nang Matapos

  18. Linnor PHILIPPINES Says:

    naalala ko tuloy yung cross-stitch projects ko na name and birthday ng boys ko with matching bears Grin

    Linnor’s last blog post..LP: Nang Matapos – A Surprise Award

  19. iska NEW ZEALAND Says:

    Galing! Naalala ko tuloy ang kapatid ko na mahilig din sa cross-stitch. Ako naman ay walan pasensya kaya’t humahanga na lamang…

    iska’s last blog post..LP57: Nang Matapos…

  20. Enchie PHILIPPINES Says:

    Galing! Hindi ko kaya yan!

    Enchie’s last blog post..A Whole New Level

  21. yeye PHILIPPINES Says:

    ang tiyaga mo teh Smile

    eto naman po ung akin Grin

    nang matapos na

    HAPPY HUWEBES KA-LP Grin

    yeye’s last blog post..nang matapos na – LP#57

  22. Jay - Agent112778 PHILIPPINES Says:

    wow great job ate Willa….

    as for me, di na ako nag cro-cross stitch kasi bloging na ang hobby ko

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista Smile
    Salamat sa pagbisita Smile

    Jay – Agent112778’s last blog post..Food Trip # 03 : Kilaw

  23. purplesea PHILIPPINES Says:

    congrats! ako, taon ata binibilang bago matapos ang cross stitch patterns ko. hahaha!

    purplesea’s last blog post..LP 57: Nang Matapos

  24. cookie PHILIPPINES Says:

    ang tiyaga mo. mahirap ding tapusin ang ganyang proyekto ha.

    LP : Nang Matapos

    cookie’s last blog post..Monochrome Friday : Day’s End

  25. Mahalia UNITED STATES Says:

    Ang tyaga mo naman. Ang hirap ngang mag cross stitch, lalo na yung maliliit ang mga butas. Ang ganda ng kinatapusan.

    Mahalia’s last blog post..LP: Nang Matapos

  26. Hazel THAILAND Says:

    Hi Willa, there’s a tag for you at my site if nobody has beat me to it yet Smile

    http://delineatingdes.blogspot.com/2009/05/friendship-chain.html

    Hazel’s last blog post..Friendship Chain

  27. karmi UNITED STATES Says:

    may pinsan po ako, mahilig din sa pagco-cross stitch! Smile at talaga naman pong accomplishment kapag nakatapos ng isang piece! ^_^

    karmi’s last blog post..nang matapos ang gabi..

  28. silentprincess PHILIPPINES Says:

    wow ang ganda naman at ang tyaga mo para tapusin yan..

    eto naman po lahok ko sa LP sa tema ngayong linggo: http://www.thesilentprincess.com/?p=362