—-Kung meron mang pagkaing pinoy na talagang hindi ko mapilit ang aking asawa na subukan kahit minsan, ito ay ang Bagoong, dahil sa amoy pa lang eh sumusuko na sya. Kasi naman ang tangos ng ilong kaya’t matalas ang pang amoy, eh ako, walang ilong, sabi ng tatay ko, natapakan daw ng kalabaw kaya wala rin akong pang amoy, kaya ok lang sa akin.Si Kendrick nga kahit mansanas eh sinasawsaw na rin sa bagoong, at kaya dalawa ang naka stock ko ngayon eh dahil nagkamali ako nuong una kong bili, hindi ko napansin na Spicy ang nakuha ko, sabi nga ni Kendrick eh, “mommy, you bought the wrong bagoong”. 
Punta kayo sa site ng Litratong Pinoy para malaman nyo kung ano pang kakaibang amoy meron ang mga pinoy. 

















on
on 

October 28th, 2009 at 12:54 PM
Ay the best ang entry mo! Madami din ako nyan, barrio fiesta din! ok dito ang spicy, akin na lang yan!
meron ding regular, meron ding sweet…at teka magluluto ako ng kalabasang may bagoong!
Mirage´s last blog ..Amoy (Smell) – Litratong Pinoy
October 28th, 2009 at 2:20 PM
favorite ko ‘to.
gusto ko sweet and spicy.
luna miranda´s last blog ..I smell [amoy]…Litratong Pinoy
October 28th, 2009 at 6:17 PM
Naku, paborito din namin yang brand ng bagoong na yan – at gusto din namin ang sweet version – sarap!
Pinky´s last blog ..LP #81: Amoy
October 28th, 2009 at 6:33 PM
haha, apple with bagoong? kakaibang snack! buti at nakumbinse mo ang anak mong maappreciate ang bagoong!

fortuitous faery´s last blog ..Litratong Pinoy #70: Amoy (Smell)
October 28th, 2009 at 6:37 PM
naku, paborito ko ito. sarap nang kain ko kapag meron nito. maligayang LP!
Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#73 Amoy (Smell)
October 28th, 2009 at 7:27 PM
i like the “mommy, you bought the wrong bagoong” – nakakatuwa. anak naman ng kaibigan ko ang sabi “our house smells like Philippines” pag may bagoong sa mesa. these kids…
October 28th, 2009 at 9:26 PM
naku bagoong sarap may kare kare pa ako sa ref.
happy LP
upto6only´s last blog ..LP: Amoy
October 28th, 2009 at 10:05 PM
Kahit anong pagkain basta may bagoong siguradong masarap! Sayang naman at hindi nagustuhan ng asawa mo.
Rico´s last blog ..LP024: Amoy
October 28th, 2009 at 11:21 PM
I-reserve mo lang ang spicy para sa manggang hilaw. Yun lang, meron ka kayang mabiling manggang hilaw diyan?
Mauie Flores´s last blog ..Litratong Pinoy: Amoy (Smell)
October 28th, 2009 at 11:25 PM
Ay, Willa, paborito ko ang Barrio Fiesta brand, wala ng iba! Hehehehe, pagmaluto ako ng pakbet, sarado ang bintana, galit ang mga kapitbahay!
Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Amoy
October 30th, 2009 at 2:15 AM
nag hahanap na tuloy ako ng manggang hilaw
sana maibigan nyo rin ang aking lahok


magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
jay – agent112778´s last blog ..Food Trip # 26 : Fruity Desserts
October 30th, 2009 at 10:28 AM
nakakatuwa naman. the best talaga ang bagoong lalo na pag barrio fiesta ^_^
je’s anatomy´s last blog ..Revisiting Intramuros